TOPICS:
Literature
|
Philippine Folklores | Short
Stories | Novel | Salawikain
| Bugtong | Prose
& Poetry |
PROSE &
POETRY
Isang Punong Kahoy
Jose Corazon
de Jesus
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa
kapighatian,
At abang kandilang naiwan sa bukay,
Na binabantayan ng
lumang libingan.
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo't magdamag
na nagtutumangis,
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon
ng pag-ibig.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
Asa mo ri'y agos
ng luhang nunukal,
At saka ang buwang tila nagdarasal,
Ako'y binabati
ng ngiting malamlam.
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Nagpapahiwatig
ng kanilang bulong;
Ang mga ibon ko nama'y nakayungyong,
Ang batis ko
naman ay daloy ng daloy.
Nguni't tingnan ninyo ang aking narating;
Natuyo, namatay, sa sariling aliw;
Naging kurus ako ng pasuyong laing,
Naging tanda ako ng luha at lagim.
Wala na, ang gabi ay lambong na lukas,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
Ang mga sanga'y ko'y nawalan ng
dagta,
Nawalan ng dahon, bulaklak ma'y wala.
Ginawang sugahan ng isang
kalabaw,
Ginawang silungan ng nangagdaraan,
Ginawang langkaya at tanda
sa ilang,
Panakot ng aking dating kaaliwan.
Isang ibon akong pangit
na sa lagim,
Ang aking kamukha ay ang ibong kuling;
Ang aking kamukha
ay ang ibong kuling;
Kung ang katawan ko'y balot man ng itim,
Ang tinig
ko naman ay tumatagingting.
Yaong kakawating ang Mayo, pagdatal,
Balot
ng bilaklak ang aking katawan,
Saka sa pagpasok ng pagtatag-ulan,
Ang
mga sanga ko'y lanta't namamatay.
Walang utang na-di may bayad na buo,
Akong nagmasaya, ngayo'y isang bungo;
Huwag mong salangin, sa bahagyang
bunggo
Sa puso'y nanatak ang saganang dugo.
Kung iyong titingnan sa
malayong pook,
Ako'y tila isang nakadipang kurus;
Sa napakatagal na
pagkakaluhod,
Tila hinahagkan ang paa ng Dios.
Ipipikit ko na itong
aking matang
Nang isang panahon ay langit ng saya;
Ngayon isang panahon
ay langit ng saya;
Ngayon ay masdan mo, ikaw'y magtataka,
Ang langit
na yao'y libingan na pala.
Para kang kumuha ng isang kandila
Na pinagbantay
mo sa gabi ng luha;
Sa sariling hukay, sa gabing payapa'y
May luhang
natatak na ayaw tumila.
At sa paanan ko'y nagkaroon ng batis,
Maghapo't
magdamag na nagtutumangis;
Ang kanyang lagaslas ay daloy ng hapis,
Ang
kanyang aliw-iw ay awit ng sakit.
Sa kinikislap-kislap ng batis na iyan,
Parang luha na rin na kikinang-kinang;
Bakit binabati ng buwang malamlam,
Tanawi't ang lungkot ay nakamamatay.