Philippine Online Encyclopedia Homepage

TRY to SEARCH Here


 

Topics Search!

Alphabetical Search! | A | B | C | D | E | F | G | H | I | J | K | L | M | N | O | P | Q | R | S | T | U | V | W | X | Y | Z | | 1| 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 0 |

TOPICS: Literature

| Philippine Folklores | Short Stories | Novel | Salawikain | Bugtong | Prose & Poetry |

PROSE & POETRY

Kahulugan ng Buhay
Writer: john jimenez

Isang puno na himalang tumubo sa mainit na disyerto
Isang kandila na bumulaga at pinukaw ang mapanglaw na kadiliman
Araw na nagpupumilit sumikat sa kasagsagan ng bagyo
Mga patak ng ulan na sama-samang dinilig ang tigang na lupa
Mga langgam na masigasig na naghahanap ng makakain para sa tag-ulan
Inahing ibon na matiyagang inaayos ang pugad para sa pagsilang ng kanyang mga inakay
Paslit na bata na natutong tumayo at maglakad dahil sa pagkakabuwal
Ina na nagpakaalila sa ibang bansa para sa kinabukasan ng kanyang mga anak
Sugatan na kawal na buong giting na nakipaglaban alang-alang sa inang bayan
Isang alagad ng Diyos na nangaral sa lungga ng mga pusakal
Lolo na may malubhang sakit na ibig pang mabuhay upang makadalo sa kaarawan ng kanyang apo

Ang buhay ay pag-ibig, ang pag-ibig ay buhay
Kambaltuko at di maaring maghiwalay
Ang buhay ay paglalakbay, hindi lugar na pupuntahan
Sa bawat karanasan ay lalabas ang angking kagitingan
Bawat tao'y nabubuhay sa mundong kanyang nilikha
Kung ano ang tinuon ng kanyang pag-iisip
Ay huhubog sa kanyang papel sa daigdig
Sa bawat baytang ng paghakbang ay may aral na nakaabang
At may makikitang liwanag, sa pagpupursigi ng tapat

ABOUT JOHN JIMENEZ John Jimenez is a regular contributor of emanila*poetry. This poem is originally published here at emanila.com. John wrote: "... as I have been exposed to a lot of patients suffering from psychological problems, themes on struggles in life like rejection, failures, separation and even death serve as my inspiration in writing poems." John is a physician/psychiatrist and a medical director of Jimenez Mental Hygiene Clinic.

 

 

WHAT'S ON

||||> Manila

||||> Provinces

||||> Your Cities

||||> Your Schools

|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||