Philippine Online Encyclopedia Homepage

TRY to SEARCH Here


 

Topics Search!

Alphabetical Search! | A | B | C | D | E | F | G | H | I | J | K | L | M | N | O | P | Q | R | S | T | U | V | W | X | Y | Z | | 1| 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 0 |

TOPICS: Literature

| Philippine Folklores | Short Stories | Novel | Salawikain | Bugtong | Prose & Poetry |

PROSE & POETRY

Tengo Autoridad
Bonifacio Alfonso Javier

Kaya kong
patigilin ang pintig
ng talinhaga sa loob ng
aking Tula. Patulugin
ang imahe. Nakawin
ang sukat at tugma
Upang di dalawan
ng kahulugan.

Hawak ko ang alpha
at omega ng aking

Tula. Pati karapatang
ikulong ang mga salita.
upang di muling
masangkot sa krimen
ng pagbubunyag.

Hawak ko rin ang buhay
ng persona. kaya ko
siyang buhayin sa simula
at patayin sa katapusan.
o buhayin sa katapusan at
patayin sa simula
maging iligaw sa

Pagitan ng mga
Taludtod. Kaya kong laruin ang
mga bantas. simulan ang
Taludtod ng koma. at kalimutan
ang tuldok sa bawat hinto.

Kaya kong
patakbuhin ang Tula
ng isang milya. Hanggang
umabot sa kwento,
nobela at dula ang
kanyang haba.

"Tengo Autoridad!" sigaw ko
sa kawalan
ng kariktan.

Pero di na muling
bumalik ang aking
tula. iniwan akong
nagtataka:

Sinuway ng Tula ang
sariling makata?

WHAT'S ON

||||> Manila

||||> Provinces

||||> Your Cities

||||> Your Schools

|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||