Philippine Online Encyclopedia Homepage

TRY to SEARCH Here


 

Topics Search!

Alphabetical Search! | A | B | C | D | E | F | G | H | I | J | K | L | M | N | O | P | Q | R | S | T | U | V | W | X | Y | Z | | 1| 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 0 |

TOPICS: Literature

| Philippine Folklores | Short Stories | Novel | Salawikain | Bugtong | Prose & Poetry |

PROSE & POETRY

Aking Bayan

Jose Corazon de Jesus

Mga ibong lumilipad na buhat kung saang dako,
Kung galing sa aking bayan, alam ko ang balahibo;
Pati mga naglalarong magagandang paruparo,
Kung galing sa aking bayan ay kilalang-kilala ko!
At ang tubig na malinis at matamis at malinaw,
ito'y doon din sinalok sa pansol ng aming bayan;
pati Araw, pati langit, pati hanging nagdaraan,
ay may bayang sinasabing walang laya sa silangan!

"Kababayan!"... isang bating kung marinig mo sa hirap,
panyong puti sa luha, puting bulak kung sa sugat;
ang lahat ng bagay wari kung sa bayan nagbubuhat,
sa taginting at sa ubod, may pagsintang nangungusap!

Kapag ikaw'y nalalayo sa bayan mong kaawawa,
lalo't lalong lumalaki ang pag-ibig mong dakila;
kantahin lang sa malayo ang kundimang lumuluha,
ikaw naman sa lungkot mo'y luluha nang parang bata!

Ang bayan ay isang mutya na hindi mo namamalas
hangga't ikaw'y nakalapit at sa kanya'y naghihirap
ang bandilang pilipino sa malayo kung iladlad,
habang kinakawayan ka, ang luha mo'y nalalaglag!

Ang bayan ay sadyang ganyan, mahirap man kahit munti,
kausap mo't kaulayaw sa malungkot na sandali;
kung ang baya'y nananangis at laya ang hinihingi,
kay-tamis nang makidigma at kay-tamis nang masawi!

Sa bayn mo nakatayo ang tahanang sinilangan,
sa bayan mo nakilala ang irog mong paraluman,
sa bayan mo nagsitanda ang dakila mong magulang:
bayan, irog, ama't ina, buhay at kamatayn!

Kapag iyong natanaw nang ang dayuha'y lumulusob,
kapag iyong nakita nang ang dampa mo'y pinapasok,
gaano ang kamatayang hindi natin malilimot
sa ngalan ng isang ina, isang baya't isang irog?

Ang Agilang lumilipad kung may tangay na bandila,
ang sigaw mo sa pagtutol ay aabot kay Bathala;
at kung ikaw ay gapos na, nagigitgit, walang laya,
ngangatngatin mo ang iyong hila-hilang tanikala!

Sa paglusob ay sabihin, "hindi kayo magdaraan...!"
Kung mag-apoy na ang digma, sa bunton ng mga patay,
diyan, bayan, sisilang ka na ang dala mo'y tagumpay,
may paglayang nasa dibdib, may bandilang nasa kamay!

WHAT'S ON

||||> Manila

||||> Provinces

||||> Your Cities

||||> Your Schools

|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||